Mga empleyadong magtatrabaho ngayong araw tatanggap ng 300% ng sahod

Tatanggap ng 300 porsyento ng halaga ng kanilang sahod ang mga manggagawa na papasok ngayong araw.

Ito ay dahil nagkasabay ang Araw ng Kagitingan at Huwebes Santo ngayong April 9 na parehong regular holiday.

Sa unang 8 oras ng pagtatrabaho ay 300 percent ng sweldo ang tatanggapin ng empleyado.

Kung hindi naman papasok sa trabaho ngayong araw 200 percent naman ang tatanggaping sahod.

Pero dahil sa epekto ng enhanced community quarantine sa ekonomiya, ang Department of Labor and Employment ay nauna nang nagsabi na pwedeng i-defer muna ang pagbabayad ng holiday pay ngayong Abril.

Read more...