16 pa pumanaw sa COVID-19 sa QC; bilang ng kumpirmadong kaso ng sakit umakyat na sa 670

Labinganim pang pasyente ng COVID-19 sa Quezon City ang pumanaw sa sakit.

Dahil dito, umakyat na sa 50 ang death toll ng lungsod sa COVID-19.

Umakyat naman na sa 670 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod matapos makapagtala ng 45 ang panibagong kaso.

Umabot naman na sa 27 pasyente ang naka-recover sa sakit.

Karamihan sa mga kaso ay sa ikalimang distrito ng lungsod.

Ang Barangay Batasan Hills ay mayroong 28 kaso.

Read more...