Ayon Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Forcce COVID-19, may magandang resulta na ang mga hakbang ng pamahalaan.
Sa pulong kasama ang iba pang miyembro ng gabinete at si Pangulong Rodrigo Duterte sinabi ni Galvez na mas istrikto ang ginagawang hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa na tinamaan ng sakit.
Dagdag pa ni Galvez sa pagpapalawig ng enhanced community quarantine ay mas mabibigyan ng oras ang gobyerno na pagbutihin ang serbisyong medikal.
Ang Pilipinas din aniya ay maagang nagpatupad ng travel ban laban sa mga bansang unang tinamaan ng sakit.
“Napakaganda ng ating preparasyon kumpara sa ibang bansa, tayo ang pinakauna na nagkaroon ng tinatawag nating travel ban sa mga bansa na nakaroon ng COVID-19 cases. At nakita natin na ang ating hard decisions – ‘yung desparate decisions – are paving the way for the good results that we are having now,” ayon kay Galvez.