Kiblawan, Davao del Sur niyanig ng lindol

Yumanig ang magnitude 3 na lindol sa Kiblawan, Davao del Sur Miyerkules ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 9 kilometers Southwest ng Kiblawan dakong 10:32 ng gabi.

15 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.

Wala namang naidulot na pinsala ang lindol.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...