Localized COVID-19 mass testing sa Valenzuela City, sisimulan na sa April 11

Inanunsiyo ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na sisimulan na ang localized COVID-19 mass testing sa lugar sa araw ng Sabado, April 11.

Sa Twitter, sinabi ng alkalde na ito ay matapos matanggap ng The Medical City ang Stage 5 laboratory accreditation mula sa Department of Health (DOH).

Dahil dito, makakapagsagawa na aniya ng localized targeted mass testing sa lungsod.

Ani Gatchalian, kabilang sa COVID-19 mass testing ang lahat ng person under investigation (PUI), person under monitoring (PUM), overseas Filipino worker (OFW) at front liners.

Libre aniya itong isasagawa sa lungsod.

Read more...