Patuloy na umiiral ang Easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean sa bansa.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Samuel Duran na magdudulot pa rin ito ng mainit at maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa.
May tsansa lamang aniya ng thunderstorms pagdating ng hapon sa ilang parte ng Luzon pagdating ng hapon.
Northeasterly wind flow naman ang magdadala ng isolated light rains sa bahagi ng Batanes at Babuyan Group of Islands.
Sinabi pa ni Duran na walang namamataang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
MOST READ
LATEST STORIES