BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 3,870

Nadagdagan pa rin ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (April 8), sumampa na sa 3,870 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit.

Ayon sa DOH, 106 ang nadagdag na panibagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.

Limang pasyente naman ang nasawi kung kayat ang COVID 19-related deaths sa bansa ay umabot na sa 182.

Samantala, gumaling naman ang 12 pang pasyente na apektado ng COVID-19 sa Pilipinas.

Dahil dito, umakyat na ang total recoveries nito sa Pilipinas sa 96.

Read more...