Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, makakaranas ng pag-ulan

Makakaranas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:40 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Tarlac, Pampanga, Batangas, Laguna at Cavite.

Maliban dito, uulanin din ang bahagi ng Carranglan sa Nueva Ecija; Santa Cruz, Palauig at Botolan sa Zambales; Pulilan, Plaridel, Bustos, Pandi, Balagtas, Santa Maria at Norzagaray sa Bulacan.

Apektado din ang Rodriguez at Antipolo sa Rizal; at General Nakar sa Quezon.

Mararamdaman ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Pinayuhan naman ng PAGASA ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...