Siyam na OFW mula Japan, nakabalik na ng Pilipinas


Nakauwi na ng Pilipinas ang siyam na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Japan.

Sinalubong ng ilang opisyal ng DFA ang mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport, araw ng Miyerkules.

Ayon sa kagawaran, ang mga OFW mula sa Fukuoka ay nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng COVID-19 sa ekonomiya.

Pinangasiwaan naman ng Philippine Consulate at Philippine Overseas Labor Office sa Osaka ang repatriation ng siyam na OFW.

Read more...