Kaagapay na ngayon ng DOTr ang CleanFuel at Total PH na magbibigay ng libreng gas sa mga bus unit na kasali sa Free Ride for Health Workers Program.
Nagpapasalamat si DOTr Secretary Arthur Tugade sa Total Philippines at CleanFuel dahil sa malaking tulong para makasigurong tuluy-tuloy ang serbisyo para makatulong sa mga health workers, na aniya ay mga modernong bayaning nagsasakripisyo para sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan
Nabatid na 40 liters ng fuel ang ibibigay ng CleanFuel sa 20 bus units mula ngayong araw hanggang matapos ang pinalawig na ECQ/lockdown sa a-30 ng Abril 2020 at ito ay manggagaling sa CleanFuel Kamias at Biñan branch.
Ang Total Philippines naman ay libreng gas din sa 30 participating bus units (o PhP1,000/unit), at P300 sa mga vehicles ng medical frontliners, simula ngayon hanggang a-17 ng Abril.
Una rito ay naging kapartner ng DOTr ang Phoenix Petroleum Philippines, Incorporated sa pagsagot sa libreng bilang subsidiya sa mga bus unit na kalahok DOTr Free Ride for Health Workers Program.