37 arestado sa Navotas dahil sa paglabag sa ECQ

37 pang lumabag sa enhanced community quarantine sa Navotas City ang naaresto ng mga otoridad.

Sa update mula sa Navotas City LGU sa magdamag, may naarestong 37 na lumabag sa ECQ.

Lahat sila ay sasampahan ng kaso base sa ordinansa ng lungsod.

Mayroon ding 9 na menor de edad na nahuli.

Sa kabuuan mula nang ipatupad ang ECQ ay umabot na sa 734 ang bilang ng mga naaresto sa Navotas City.

Read more...