Mga ani ng mga magsasaka dapat bilhin sa mataas na presyo ng NFA

Hiniling ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin sa National Food Authority na tumbasan ang mataas na presyo ng rice traders sa pamimili ng palay ng mga magsasaka ngayong panahon ng anihan.

Dapat rin anyang ibenta ang bigas sa murang halaga sa mga pamilihan.

Paliwanag ni Garbin, sa pamamagitan ng buy high, sell low tactic ay matutulungan ng NFA ang mga magsasaka, consumers at ang mga lokal na pamahalaan na nangangailangan ng murang bigas para maipamahagi sa mahihirap na pamilya.

Ayon pa sa kongresista, ang price difference ay maituturing bilang consumer subsidy alinsunod sa Bayanihan Act at sa safety net provisions ng TRAIN Law.

Iginiit nito na sa mga sitwasyong kailangan ng agarang mapagkukunan ng relief goods, dapat pakyawin na ng LGUs ang paninda ng mga tindahang malapit sa kanilang mga barangay.

Sa ganitong paraan, matutulungan pa ang kanilang constituents na nagtitinda at mga nasa bahay nakapirmi dahil sa COVID-19 quarantine measures.

Read more...