Labinganim na local government units na mula sa Metro Manila ang nakatugon at nakapagsumite ng requirements para sa pagpapatupad ng social amelioration program.
Dahil dito ayon kay Cabinet Secreatry Karlos Nograles na tagapagsalita rin ng Inter Agency Task Force for the Management of Infectious Disease, ibinigay na sa kanila ang pondo para sa cash assistance sa kanilang mga residente.
Sinabi ni Nograles na naibigay na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – NCR ang tseke sa 16 na Metro Manila LGUs.
Ang tseke ay para sa cash assistance sa mga residente para sa buwan ng Abril.
Narito ang mga lugar sa Metro Manila na tumanggap na ng tseke at ang halaga ng kanilang natanggap:
Maynila – P1.48B
Paranaque – P621.39M
Caloocan – 1.72B
Marikina – P449.88M
Pasig – P750.93M
Quezon City – P3.02B
Mandaluyong – P368.3M
Muntinlupa – P430.68M
Taguig – P739.97M