Publiko hinimok na palakpakan ang health workers, frontliners araw-araw

Simula bukas na Araw ng Kagitingan, April 9 hanggang sa matapos ang pag-iral ng enhanced community quarantine ay araw-araw na bibigyang pagpupugay ang mga health worker at iba pang frontliners.

Ayon kay Cabinet Secreatry Karlos Nograles na tagapagsalita rin ng Inter Agency Task Force for the Management of Infectious Disease, hinding-hindi magsasawa ang pamahalaan na kilalanin ang pagiging bayani ng mga frontliner.

Kaugnay nito, hinimok ng IATF ang mamamayan na araw-araw tuwing sasapit ang alas 5:00 ng hapon ay magpunta sa pintuan o bintana ng mga bahay at pumalakpak.

Ito ay sabayang pagpupugay sa mga health workers at frontliners.

“We urge our countrymen to go to their doorways or windows at 4pm to applaud health workers and other frontliners,” ayon kay Nograles

Maari din aniyang gawin ito sa modernong pamamaraan kung nais ng publiko.

Gaya na lamang ng pag-video, o pag-TikTok para maipakita sa mga frontliner at mabahaginan sila ng good vibes.

Read more...