Mahigit 93,000 lumabag sa ECQ ayon sa PNP

Simula March 17 hanggang April 7, 2020 ay umabot na sa 93,242 na lumabag sa enhanced community quarantine ang nahuli ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Joint Task Force COVID-19 Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, sa nasabing bilang mahigit 63,000 ang binigyan lamang ng babala.

Mahigit 30,000 naman ang inaresto at dinala sa presinto dahil sila ay nahuli sa oras na umiiral ang curfew.

Sinabi ni Eleazar na ang parusa sa mga nahuhuli ay depende sa ordinansa ng nakasasakop na LGU.

Ayon kay Eleazar kahit may ECQ, tuloy ang inquest sa mga naaarestong lumalabag sa curfew dahil mayroon nang online inquest

Pero paalala ni Eleazar sa mga lalabag, walang ‘online kulong’, kaya diretso sila sa selda kapag lumabag.

Read more...