Lahat ng visa interviews kanselado na hanggang May 4 ayon sa U.S. Embassy sa Maynila

Kinansela na ng U.S. Embassy sa Pilipinas ang lahat ng immigrant at nonimmigrant visa interviews na naka-schedule hanggang sa May 4.

Kasunod ito ng pasya ng pamahalaan na palawigin pa ang pag-iral ng enhanced community quarantine hanggang sa April 30, 2020.

Sa abiso ng embahada, sa sandaling matapos na ang pag-iral ng ECQ, lahat ng apektadong visa applicants ay kailangang ipa-reschedule ang kanilang visa interviews.

Maaring tumawag sa call center ng U.S. Embassy sa (632) 77792-8988 at (632) 8548-8223.

Pwede ring gawin ang pagpapa-reschedule sa online appointment system, bisitahin lamang ang ustraveldocs.com/ph

Walang sisingiling fee sa pagpapabago ng appointment habang ang visa application fees naman ay valid sa loob ng isang taon.

Read more...