Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Pasig 140 na

Muling nadagdagan ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Pasig.

Base sa huling datos ng Pasig City PIO, pumalo na sa 140 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso gabi ng Martes, April 7.

Dalawampu’t dalawa naman na ang nasawi at dalawampu’t walo ang naka-recover.

Samantala, umabot na sa 229 ang patient under investigation (PUIs) at 80 naman ang person under monitoring (PUMs).

Nasa 140 naman PUIs ang na-clear at 125 ang mga PUMs na na-clear na rin.

Read more...