Kaso ng COVID-19 sa Malabon, nasa 20 na

Pumalo na sa 20 ang kumpirmadong bilang ng COVID-19 cases sa Malabon City.

Sa huling datos hanggang April 7, 65 ang napaulat na persons under investigation o PUI kung saan 46 ang nakasailalim sa home quarantine.

Walo naman ang nagngegatibo at 19 ang nakakumpleto na ng quarantine.

368 ang naitalang persons under monitoring o PUM.

Sa nasabing bilang 78 ang nakasailalim pa sa 14 na araw na quarantine habang 290 ang nakatapos na ng quarantine.

Samantala, isang pasyente sa lugar ang gumaling na sa virus at lima ang nasawi.

Read more...