Immigrant at nonimmigrant visa interviews sa US Embassy sa Maynila, kanselado hanggang May 4

Kinansela na ng US Embassy sa Maynila ang lahat ng immigrant at nonimmigrant visa interviews hanggang sa May 4.

Sa abiso, ito ay bunsod ng pagpapalawig ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19 crisis.

Hindi pa naman masabi ng embahada kung kailan magbabalik sa normal ang kanilang routine visa services.

Matapos ang enhanced community quarantine, sinabi ng embahada na kailangang magpa-reschedule ng mga apektadong aplikante.

Maaaring tumawag sa numero ng embahada na (+632) 7792-8988 o (+632) 8548-8223.

Maaari ring magpa-reappointment sa pamamagitan ng online appointment system na ustraveldocs.com/ph.

“There is no fee to change an appointment and visa application fees are valid for one year in the country where the fee was paid,” paalala ng embahada.

Read more...