‘Simultaneous ringing of the parish church bells’ isasagawa sa April 8

Inanunsiyo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagsasagawa ng ‘simultaneous ringing of the parish church bells’ sa araw ng Miyerkules, April 8.

Ayon sa CBCP, isasagawa ito bandang 3:00 ng hapon bilang hudyat ng pagsisimula ng televised Inter-faith prayer.

Tugon din anila ito sa hiling ng gobyerno sa pangunguna ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infecticious Disease (IATF-MEID).

Dagdag pa ng CBCP, sa pamamagitan nito, hinihikayat ang publiko na magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan sa panahon ng kinakaharap na COVID-19 crisis.

Read more...