Kaso ng COVID-19 sa Navotas, nasa 10 na

Nadagdagan pa ng isa ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Navotas City.

Sa datos hanggang 4:00, Martes ng hapon (April 7), 10 na ang kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, walong pasyente ang naka-confine sa pagamutan habang dalawa ang pumanaw na.

Sa ngayon, nasa 70 ang person under investigation habang 125 ang persons under monitoring.

Base pa sa datos, 22 ang cleared PUIS at 165 ang cleared PUMs.

Read more...