PAL pinalawig ang kanselasyon ng regular flights hanggang April 30

Pinalawig ng Philippine Airlines (PAL) ang kanselasyon ng regular flights hanggang April 30, 2020.

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, ito ay kasunod ng extension ng enhanced community quarantine sa Luzon hanggang sa nasabing petsa.

“The plan is for PAL operations to partially resume after quarantine is lifted,” ayon pa kay Villaluna.

Antabayanan na lamang aniya ang kanilang iaanunsiyong detalye kung kailan sisimulan ang pagbabalik ng operasyon at kung anong mga flight ang makakabiyahe na.

Read more...