Maria, Siquijor niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol sa Maria, Siquijor Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 40 kilometers Northeast ng Maria bandang 8:30 ng gabi.

May lalim ang lindol na 18 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naramdaman ang intensity 1 sa Sibulan, Negros Oriental.

Sinabi naman ng Phivolcs na hindi nagdulot ang lindol ng pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...