65 Pinoy crew members mula Brazil at Germany, balik-Pilipinas na rin

Patuloy pa rin ang pagbalik-Pilipinas ng ilang Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 65 Filipino crew members mula sa Brazil at Germany, Martes ng hapon (April 7).

Sa nasabing bilang, 24 rito ay crew members ng Scenic Eclipse sa Brazil habang 41 naman ay mula sa MS Amadea sa Germany.

Sinabi ng DFA na magpapatuloy ang kanilang repatriation efforts sa buong Semana Santa.

Read more...