Philippine Science High School sa QC, binuksan na para sa mga pasyente at empleyado ng PCMC

Photo grab from PCOO Facebook live video

Binuksan na ng Philippine Science High School (PSHS) sa Quezon City ang kanilang campus para sa mga pasyente at empleyado ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force on Infectious Diseases, tulong ito ng Pisay habang nagkukumahog ang Pilipinas sa pagsugpo sa COVID-19.

“Kahapon, nakatanggap ako ng magandang balita mula sa alma mater ko, ang Philippine Science High School, na pumayag na gamitin ang Quezon City campus para sa pasyente at empleyado ng Philippine Children’s Medical Center o PCMC,” pahayag ni Nograles.

Bukod sa Pisay, nagbukas na rin ng pintuan ang La Salle Greenhills para gawing pansamantalang tirahan ng mga doktor, nurse at iba pang health workers na nagtatrabaho naman sa Medical City.

“Pisay is not the only school that has opened their doors and opened their arms for our medical frontliners; the nurses and health workers of Medical City, for example, have found a new home in La Salle Greenhills,” pahayag ni Nograles.

Umaasa si Nograles na maging inspirasyon sana sa iba ang mabuting gawa ng Pisay at La Salle.

“May we all be inspired by their examples and open our hearts to those stricken by COVID-19 and those who care for them,” pahayag ni Nograles.

Read more...