Pinalawig na ng pamahalaan ang deadline sa paghahain ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) para sa mga manggagawa sa gobyerno.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force on Infectious Diseases, ito ay dahil pa rin sa nararanasang krisis sa COVID-19.
Sa halip na April 30, itatakda na ang deadline ng pagsusumite ng SALN sa June 30.
May ipinalabas na rin aniyang memorandum circular ang Civil Service Commission.
“Para naman po sa government workers, isa pong paalala, nag-issue na po ang Civil Service Commission Public ng Memorandum Circular na binibigyan ang opisyal at empleyado ng additional 60 days o hanggang June 30 para i-file ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Networth o SALN,” pahayag ni Nograles.