Care Store binuksan na rin sa St. Luke’s Medical Center – QC; grocery items para sa frontliners libre na

Nagbukas na rin ng Care Store sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Simula ngayong araw, libre nang makakakuha ng grocery items ang hospital frontliners at kanilang pamilya mula sa Care Store.

Bawat frontliner ay binigyan ng 2,000 Care points na kanilang gagamitin pambili ng produkto sa makeshift store.

Tulong ito ng pamunuan ng St. Luke’s sa kanilang mga frontliner.

Sa pagbubukas ng Care Store, ang unang batch ng mga naserbisyuhan ay ER nurses/doctors at nurses mula sa COVID-19 wards.

Read more...