2 pang bagong train sets bibiyahe na sa PNR pagkatapos ng ECQ

Sa sandaling matapos ang umiiral ang enhanced community quarantine ay may dagdag na dalawang train sets na bibiyahe sa Philippine National Railways (PNR).

Ayon kay PNR General Manager Junn Magno, agad gagamitin para sa commercial service ang dalawang train sets matapos makakuha na ng RAMS Validation.

Ang dalawang Diesel Multiple Unit (DMU) ay bahagi ng train sets mula sa Indonesian rolling stock manufacturer na PT Industri Kereta Api (INKA).

Sa ngayon ay nasa Tayuman yard ang mga tren.

 

 

 

Read more...