PSA nakapagtala ng 2.5% na inflation rate para sa buwan ng Marso

Mas bumagal pa ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo noong nakalipas na buwan ng Marso.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority, 2.5% lang ang naitalang inflation rate noong nagdaang buwan.

Mas mababa kumpara sa 2.6% percent noong Pebrero.

Ang pagbagal ng inflation ayon sa PSA ay dahil sa pagbagsak ng transport index dropping sa 1.8%.

Mas bumaba din ang halaga ng alcoholic beverages at tobacco, housing, water, electricity, at produktong petrolyo.

Read more...