Mundo kapos ng 6 na milyong nurse ayon sa WHO

Mayroong anim na milyong kakulangan sa nurses sa buong mundo ayon sa World Health Organization.

Sa pahayag sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, base ito sa datos ng WHO, Nursing Now at International Council of Nurses (ICN).

Sa ngayon mayrong 28 milyong nurses sa buong mundo.

NoNoong 2013 hanggang 2018 ay nakapagtala lang ng 4.7 million na dagdag sa bilang ng mga nurse.

Dahil sa pandemic ng COVID-19 sa Italy, mayroon nang 23 nurse ang nasawi.

Marami ring nurse pa sa Italy at Spain ang infected ng sakit.

 

 

Read more...