Author ng Harry Potter na si J.K Rowling nakaranas ng coronavirus symptoms

Bumuti na ang kondisyon ng author na si J.K Rowling matapos makaranas ng sintomas ng coronavirus.

Hindi nagpasailalim sa COVID-19 test ang author.

Aniya 2 linggo siyang nakaranas ng sintomas kabilang ang hirap sa paghinga.

Sa ngayon ay completely recovered na aniya siya.

Nagbahagi din si Rowling ng video ng breathing techniques na aniya ay makatutulong sa sinumang nakararanas ng sintomas.

Ang 54 anyos na si Rowling ay kilala sa kaniyang mga tanyag na isinulat na libro.

 

 

Read more...