Ang bansang Spain na ang pumapangalawa sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19.
Ang Spain ay mayroon nang 136,675 COVID-19 cases at naungusan na nito ang bilang ng kaso sa Italy na 132,547.
Sa magdamag ang Spain ay nakapahtala ng 700 panibagong bilang ng nasawi sa COVID-19 kaya umakyat na sa 13,341 ang death toll sa nasabing bansa.
Ang Italy naman ay nakapagtala ng 636 na panibagong nasawi sa sakit, kaya umabot na sa 16,523 ang death toll sa Italya.
Ang France naman ay nakapagtala ng 833 na nasawi sa magdamag. Sa ngayon ay mayroong 8,911 death toll sa COVID-19 ang France at mayroong 98,010 cases.
Habang ang Germany ay mayroong 102,453 cases pero nananatiling mababa ang death toll nito sa 1,735.
MOST READ
LATEST STORIES