US nakapagtala ng mahigit 1,000 nasawi sa COVID-19 sa magdamag

Nakapagtala ng 1,148 na panibagong bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa US sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa pinakahuling datos, umabot na ngayon sa 10,764 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa US dahil sa sakit.

Nakapagtala din ng mahigit 27,700 na panibagong kupirmadong kaso ng COVID-19 sa US sa magdamag.

Dahil dito ang kaso ng COVID-19 sa US ay mahigit 363,400 na.

Sa nasabing bilang, mahigit 19,000 ang naka-recover, mahigit 333,000 ang aktibong kaso at mahigit 8,800 ang kritikal ang kondisyon.

 

 

 

Read more...