Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 251 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani, alas-12:04 madaling araw ng Martes (April 7).

May lalim na 33 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...