Sa datos mula sa PAGASA, umabot sa 37.0 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura sa Cotabato City kahapon.
Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:
Camiling, Tarlac – 36.8 degrees Celsius
Tagum City – 36.3 degrees Celsius
Subic, Zambales – 35.8 degrees Celsius
Gen. Santos City – 35.6 degrees Celsius
Mainit din ang naitalang temperatura sa Metro Manila matapos na umabot sa 34.8 degrees Celsius ang maximum sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Ang heat index naman o ang init na naramdaman sa katawan ng tao ay umabot sa 37 degrees Celsius ganap na alas 3:00 ng hapon.
Payo naman ng PAGASA sa publiko ngayong mainit ang panahon, dalasan ang pag-inom ng tubig, magsuot ng light-colored na damit, at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.