Kaso ng COVID-19 sa QC 583 na

Umakyat na sa 583 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Local Government, sa nasabing bilang, 557 na pasyente ang tukoy na ng lokal na pamahalaan ang kumpletong address.

Sa 583 COVID-19 cases sa lungsod, 34 ang pumanaw na habang mayroong 15 na naka-recover na.

Mayroon namang 85 Persons Under Investigation (PUIs)sa lungsod at 484 na Persons Under Monitoring (PUMs).

Read more...