QCGH, nilinaw na hindi nagsusuot ng improvised PPEs ang kanilang health workers

Nilinaw ng Quezon City General Hospital (QCGH) na hindi totoo ang mga kumakalat na larawan sa social media gumagamit umano ng improvised personal protective equipment (PPE) ang mga kanilang healthcare worker.

Ayon kay Dr. Josephine Sabando mula sa QCGH, hindi nila hinahayaang magsuot ng improvised PPEs ang kanilang medical workers.

Nagmula aniya ang kanilang ginagamit na PPEs sa lokal na pamahalaan ng Quezon City at ilang donor.

Patuloy aniyang nagbibigay ang QC LGU ng mga kagamitan sa QCGH para masuportahan ang mga pangangailangan ng pasyenteng apektado ng COVID-19.

Muling nagpaalala ang pamunuan ng ospital na iwasan ang pagkakalat ng mga hindi berikipadong impormasyon.

Read more...