Easterlies, patuloy na magdudulot ng mainit na panahon sa bansa

Photo grab from DOST PAGASA website

Patuloy na umiiral ang Easterlies o mainit na hangin mula sa Pacific Ocean sa malaking bahagi ng bansa.

Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren, magdudulot pa rin ang Easterlies ng mainit at maalinsangang panahon sa bansa.

Samantala, makakaapekto naman aniya ang Northeasterly Surface Windflow sa extreme Northern Luzon.

Dahil dito, mararanasan ang makulimlim na kalangitan na may posibleng mahinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

‘Generally fair weather’ aniya ang iiral sa malaking parte ng Luzon kabilang ang Metro Manila, Visayas at Mindanao.

Posible naman aniyang makaranas ng isolated rainshowers pagdating ng hapon at gabi sa Visayas at Mindanao.

Dagdag pa ni Clauren, walang inaasahang papasok o mabubuong sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Read more...