Bilang ng Filipino na nasawi dahil sa COVID-19 sa abroad, umakyat na sa 55 – DFA

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 6, nasa 535 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 34 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 347 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 133 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Umakyat naman sa 55 ang bilang ng nasawi dahil sa sakit.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 216 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 185 na kaso, Middle East na may 57 na kaso habang ang Americas naman ay may 77 cases.

Read more...