Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang April 6, umabot na sa full scale implementation ang St. Luke’s Medical Center – Quezon City at Bicol Public Health Laboratory.
Narito naman ang iba pang health facilities na nagsasagawa ng COVID-19 test:
– Research Institute for Tropical Medicine (RITM)
– Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC)
– San Lazaro Hospital
– Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC)
– Southern Philippines Medical Center (SPMC)
– UP National Institutes of Health (UP NIH)
– Lung Center of the Philippines (LCP)
– Western Visayas Medical Center (WVMC)
Sa huling datos ng DOH, nakapagsagawa na ng 22,958 na COVID-19 tests sa Pilipinas.