Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, tanging ang mga mahihirap na pamilyang Filipino lamang ang aayudahan ng pamahalaan at makikinabang sa social amelioration program.
Tinatayang nasa 18 pamilyang Filipino ang makakukuha ng cash assistance sa loob ng dalawang buwan.
Malinaw naman kasi aniya na hindi maikukunsidera na low income anng mga pensioner.
“Pensioners are not included in the low-income families. So, the first criteria is low-income families and among the low-income families, priority is senior citizens,” pahayag ni Nograles.
Nasa P5,000 hanggang P8,000 ang matatanggap na cash assistance ng mga pamilyang apektado ng COVID-19.