Medical workers, frontliners pawang ‘real time heroes’ ayon sa IATF

Real time heroes.

Ganito inilalarawan ng Inter Agency Task Force on Emerging infectious Diseases ang mga medical workers at iba lang frontliners na nakikipagsagupa sa COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng IATF, napapanahon ang April 9 o Araw ng mga Bayani na ilaan sa mga frontliners.

“Ang mga health workers po natin ang ating tunay na bayani ngayon. They are our real-life, real-time heroes,” pahayag ni Nograles.

Ayon kay Nograles, kapag bumabagsak ang ekonomiya ng Pilipinas, ang mga overseas Filipino Workers ang nagiging sandalan at nagiging bayani ng bayan.

Ngayon naman aniya na mayroong krisis sa COVID-19, ang mga health workers ang nagiging bayani naman ng bayan.

“History has shown us, however, that every generation produces its own set of heroes. Whenever the world economy flounders and the Philippines economy is kept afloat by OFW remittances, we refer to our OFWs as modern-day heroes. For the past few weeks, as the country and the whole world has grappled with the Covid-19 pandemic, our heroes have been our health workers and all our frontliners who continue to work despite the constant threat to their lives and their well-being,” pahayag ni Nograles.

Read more...