BI offices sa mga lalawigan isasailalim sa disinfection

Sasamantalahin ng Bureau of Immigration (BI) ang Semana Santa para mag-disinfect sa kanilang field offices sa mga lalawigan.

Bunga nito, sususpindihin muna ng BI ang maliliit nilang field offices sa mga probinsya ngayong Holy Week para makapag-disinfect.

Layon nito na maprotektahan ang BI personnel laban sa COVID-19

Nilinaw naman ng Bureau of Immigration na ang kanilang field offices malapit sa international airports, maging ang kanilang main office sa Intramuros, Maynila ay mananatiling bukas para sa mga urgent na pangangailangan.

Babalik naman ang Regular operations ng BI sa April 13.

Read more...