Ayon kay Angara may ilan ng mga LGUs ang agad nagpasa ng ordinansa para maiwasan ang diskriminasyon sa mga frontliners at sa mga hinihinalang taglay ang nakakamatay na sakit.
Diin ng senador araw-araw ay nagsasakripisyo ang mga health workers para alagaan ang mga may sakit at hindi na kumalat pa ang COVID-19.
Paalala pa ni Angara sa mga lokal na konseho, katulad nilang mga mambabatas dapat ay kumilos sila para bigyang proteksyon ang frontliners bilang pagkilala sa kanilang ginagawang pagsasakripisyo.
Binanggit nito ang mga ulat ng diskriminasyon sa mga health and medical workers, na ang ilan ay humahantong pa sa pananakit.