LOOK: Libreng ethyl alcohol mula San Miguel Corp., nakarating na sa Tacloban City

Nabahaginan na rin ng libreng ethyl alcohol na gawa ng San Miguel Coporation ang Tacloban City.

Sa larawang ibinahagi sa Facebook Page ng Tacloban City Information Office, 30 container na may lamang 20 litro bawat isa ang dumating sa lungsod.

Ito ay 70 percent ethyl alcohol na gawa ng San Miguel Corp.

Nagpasalamat naman si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez sa SMC dahil malaking tulong aniya para sa frontliners ang ipinagkaloob na alcohol.

Read more...