Mga opisyal ng DOH na tinamaan ng COVID-19 maayos na ang kondisyon

Maayos na ang kondisyon ng mga opisyal ng Department of Health (DOH) na tinamaan ng sakit na COVID-19.

Unang napaulat na isang undersecretary ng DOH at isang director ng ahensya ang nagpositibo sa sakit.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DOH Usec. Ma. Rosario Vergeire, maayos na ang kondisyon ng mga opisyal.

Si Health Sec. Francisco Duque III naman na sumailalim sa self-quarantine ay maayos din ang kalusugan at nakabalik na sa trabaho.

Read more...