322 na seafarers mula Italy dumating sa bansa

Umabot na sa halos 5,000 seafarers na mula sa iba’t ibang bansa ang nakauwi sa Pilipinas.

Linggo ng gabi, mayroong 322 pa na seafarers mula sa Italy ang dumating sa bansa.

Sa nasabing bilang 114 ang mula sa MV Costa Diadema at 208 mula sa Costa Victoria.

Una rito, Linggo ng tanghali ay mayroon pang 16 na crew members ng cruise ship na Amadea mula Germany ang dumating sa bansa.

Inaasahang ngayong linggo kahit Holy Week na ay may mga darating pang seafarers sa bansa.

Read more...