DOH naglaan ng pondo pambili ng ventilators

May nakalaang pondo ang Department of Health (DOH) upang ipambili ng ventilators sakaling kailanganin pa ang mas marami nito.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, may mga dumarating ding ventilators mula sa ibang bansa na donasyon para sa Pilipinas.

Kabilang dito ang 13 ventilators mula sa ibang bansa na kadarating lamang.

May inaasahan pang 100 donasyong ventilators ang DOH.

Ayon kay Vergeire, may pondo na inilaan ang DOH para maipambili ng ventilators kung kakailanganin.

Read more...