Antas ng tubig sa Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig sa Angat dam alas-6 umaga ng Lunes (April 6) ay nasa 194.94 meters mas mababa sa 195.30 meters na antas nito kahapon.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.96 meters mas mababa sa antas nito kahapon na nasa 101.00 meters.

Nadagdagan naman ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.12 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 77.08 meters.

Samantala, nadagdagan din ang water level ng Binga, Magat at Caliraya dams habang nabawasan ang antas ng tubig ng Ambuklao, San Roque at Pantabangan dams.

Read more...