Indefinite lockdown sa buong Rizal Province simula na ngayong araw

Kuha ni Jun Corona
Simula na ngayong araw, April 6 ang pagpapatupad ng lockdown sa buong lalawigan ng Rizal.

Sa bisa ng Executive Order No. 14, series of 2020 na nilagdaan ni ni Acting Rizal Governor Reynaldo San Juan Jr. ang “lockdown sa buong lalawigan” ay simula 8:00 ng umaga.

Layunin nitong maproteksyunan pa ang buong lalawigan mula sa pagpasok ng mga posibleng carrier ng COVID-19.

Ang lalawigan ng Rizal ay mayroong mahigit isangdaang kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng lockdown, hindi na papayagang makapasok sa lalawigan ang mga hindi residente maliban na lamang sa mga itinakdang exemptions ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID).

Kabilang sa exempted ang mga public and private health workers, emergency frontliners, mga government workers, diplomats, media personnel, religious ministers gayundin ang mga empleyado na bahagi ng skeletal workforce ng iba’t ibang mga businesses na may kaugnayan sa basic services at commodities pati na rin BPO at hotel industry.
Papayagan din ang pagpasok ng mga cargo trucks at mga sasakyan na nagdadala ng mga food commodities at farm inputs sa mga designated food lanes.

Magkakaroon din ng express lane para sa mga donasyon para sa frontliners at ospital na manggagaling sa iba’t ibang mga sponsors, gayundin ang mga nangangailangan ng atensyong medikal.

Mahigpit na panawagan sa mga residente ng lalawigan na manatili sa kanilang mga bahay dahil patuloy pa rin iiral ang 24-curfew na dati nang itinakda ng DILG maliban na lang sa mga otorisadong miyembro ng pamilya na kailangan bumili ng pagkain at iba pang essential commodities.

Read more...